Miyerkules, Abril 8, 2015

Momentous. Ahem

April 06, 2015- One of the days na inaabangan ng mga Graduating Class ng URS (Unibersidad namin kung saan ako pumapasok). Recognition Day nila. Cheers for this event for all of them. I decided to text them on that day saying "Congrats". Sorry for myself kasi di ako nakasabay sa kanila (Pero alam ko God has better plans for me, He has his reasons why things need to happen)

Natext ko na laht ng 5thyear ng Engineering na mga kaibigan at classmate ko pati na rin ang iba pang aibigan kong 4-year course.


Marami ang nagreply sa nasabing gm. HAHA! Isa na dun ang ultimate crush ko, si Ryoma Echizen ng buhay ko. Nagpasalamat sya sa pagbati ko sa kanya. Nagtuluy-tuloy ang conversation namin hanggang tanghali na kami magkatext. Ililibre nya ako :-) Ililibre nya ako ng "spaghetti" kina Ate Girlie ng foodcourt ng campus. Maliit na bagay di ba? Pero malaking bagay ito sa akin. 5 years, sa loob ng 5 years ngayon lang mangyayari ito. Ililibre nya ako, makakausap ko sya, makakausap nya ako, makakatabi ko sya, makikita ko sya nang hindi ko kailangan sumulyap sulyap lang. Oh my gosh! Nakakakaba na nakakatuwa, nakakaexcite. 

Pero hindi kaming dalawa lang, isama ko daw si Edz sabi nya. Pero inisip kongg mas okay kung kasama nga si Edz para maging tulay ng pag uusap namin at para di ako mailang ng sobra. 

Natapos na pala ang Recognition ng maaga, hidi ko inexpect. Nagtext na sya.

Ryoma: Dhang dito kami ni Edz sa student center.
Dhang: Tapos na rites nyo?
R: Oo, kanina pa :-)
D: Halaaa? Nakuha mo na grad pic mo? Nahatid mo na mama mo?
R: Oo, nakuha ko na. Nahatid ko na din si mama. Kasama ko na si Edz. Dito kami sa student center.
D: :3 ouch. nandito pa ko sa bahay e :3 sorry 
R: nge!!!
D: (nagsisi ako, bakit di pa ko naligo kaagad? malay ko bang hindi aabutin ng lunch yung program? :((() Pwede naman'g icancel mo na lang, tsaka na lang kapag nagcross ulitt tayo sa daan. :3 sensya na.
R: Sige sige, uwi na kami :-) next time na lang.

Nanghinayang ako ng sobra, sayang kasi talaga. Isang chance na namiss ko. Si Ryoma yun e :3 haaaay bahala na!

Di na ko nagtext pa.

To be continued...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento